3 pump boat tumaob sa Z. Sibugay, mga sakay na pulis nasagip

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy ang mga pulis na nakasakay sa tatlong pump boat makaraang tumaob sa kasagsagan ng malakas na alon sa karagatan ng Zamboanga Sibugay.

Kabilang sa mga nakasakay sa naturang mga pump boat ay ang mismong hepe ng Ipil Municipal Police Station na si C/Insp. Arnel Huesca at ang mahigit sampung mga tauhan.

Batay sa natanggap na report, naglulunsad ng security patrol ang tropa ni Huesca sa karagatan ng Ipil nang maganap ang insidente.

Dahil malakas ang alon sa lugar ay hindi nakayanan ng tatlong maliliit na pump boat at sunud-sunod na lamang umanong tumaob ang mga ito.

Gamit mismo ang kanilang dalang two-way handheld radio, kaagad nakahingi ng saklolo ang mga pulis sa kanilang mga kasamahan na siya rin namang nakipag-ugnayan sa headquarters ng Philipine Navy at Coast Guard sa probinsya.

Dinala na rin sa pagamutan ang mga naisalbang pulis matapos ang ilang minutong pananatili nila sa dagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply