3 QC police nagnakaw ng SUV, sinibak sa pwesto

SINIBAK na sa puwesto ang tatlong kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) matapos na akusahang nagnakaw ng sasakyan at nandaya ng mga dokumento.

Kinilala ang mga sinibak na pulis na sina PO3 Fernando dela Cruz, PO3 Roberto Tripon at PO1 Sherwin Reyes.

Batay sa imbestigasyon, lumalabas na ninakaw umano ng mga pulis ang isang kulay blue na Toyota Rav-4 (UNF-553) na naka-parada sa kahabaan ng Bulusan St. sa Barangay San Isidro.

Iniwan umano ng may-ari ng kotse na kinilalang si Bessie Ang, ang kanyang sasakyan sa nabanggit na lugar dahil nagkadeperensya ito.

Dahil dito hindi tuloy matukoy ng mga residente sa lugar kung kanino ang nasabing kotse kayat agad na ipinagbigay alam sa awtoridad.

Agad namang dumating ang mga nabanggit na pulis at kinuha ang nakaparadang sasakyan.

Ilang sandali pa ay dumating sa lugar si Ang ngunit hindi na nito nadatnan ang kanyang sasakyan kaya agad itong nagreport sa police station ngunit nagulat na lamang ito at iba na ang plate number ng kanyang sasakyan na nakasulat sa logbook ng police station.

Agad namang ibinalik kay Ang ang nasabing sasakyan habang isinasailalim ngayon sa imbestigasyon ang tatlong pulis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply