3 sasakyan sinalpok: Tanod dinampot

ISANG barangay tanod ng San Juan City ang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property makaraang mabangga sng tatlong sasakyan sa magkakahiwalay na lugar sa Sampaloc, Maynila kagabi.

Ayon sa report sa radio, nakilala ang suspek na si Jose Santamaria, tanod ng Brgy. Greenhills, San Juan City, kung saan iba pa ang kasong nakita siyang nagmamaneho ng isang Asian utility vehicle na kulay pula (government-issued) plate.

Nabatid na naganap ang una sa tatlong hit-and-run incidents bandang alas-10:00 kung saan minamaneho ng suspek ang Revo (SGH-809) at sinalpok nito ang Kia Rio sedan sa kanto ng Don Quijote at P. Margal streets.

Imbes na huminto, tumakas ang suspek at doon nito naman nabunggo ang isang Galant-type sedan sa Dimasalang St. na tinakasan din niya.

Kasunod nito ang pagbangga naman niya ang isang taxi na nakaparada sa Laong Laan St. at imbes na hintuan ay pinaharurot niya ang kanyang sasakyan.

Nasakote ng awtoridad si Santamaria sa M. Dela Fuente St. at hinihinala ng pulisya na nakainom ang suspek nang mangyari ang tatlong insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply