3 tinigbak habang natutulog

HINDI na nagising ang tatlo katao matapos pagbabarilin habang natutulog kamakalawa ng gabi sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato, sa ulat ng pulisya.

Sa report na nakarating sa Camp crame kahapon, kinilala ang mga nasawi na sina Jionie Ralla, 32-anyos, may asawa at residente ng Poblacion; Melissa Fente, 32-anyos, may asawa, residente ng Barangay T’kunel at Harold Sorella, 35, residente ng Barangay Poblacion. Ang tatlo ay pawang mula sa bayan ng Lake Sebu.

Ayon sa ginawang pagsisiyasat ng Lake Sebu PNP nakikitulog lamang ang dalawang biktima na sina Ralla at Fente sa tahanan ni Sorella kamakalawa ng gabi.

Bigla na lamang umanong dumating ang mga aramdong kalalakihan at pinasok ang tinutuluyan ng mga biktima at doon ay walang awang pinagbabaril.

Narekober ng mga tauhan ng PNP Scene of the Crime Operatives ang tatlong empty shell ng caliber .45 na armas.

Samantala, nanatiling blangko sa mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang motibo sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply