3 todas, 6 sugatan sa pag-atake ng ASG

TODAS ang dalawang militiamen at isang rubber plantation worker habang anim katao pa ang nasugatan nang ratratin ng mga miyembro ng Abu Sayyaf bandits nitong Huwebes ng hapon sa Basilan, ayon sa ulat kaninang umaga ng regional military spokesperson.

Ang nasabing insidente ay ikatlong pagkakataon na inatake ng mga bandido ang mga trabahador mula sa Tumahubing Agrarian Reform Beneficiary Integrated Development Cooperative (TARBIDC) simula noong Hulyo 2012, na nagresulta sa pagkamatay ng pitong trabahador.

Ayon sa awtoridad, pangingikil ang pinakamalapit na dahilan sa naturang pag-atake.

Sinabi ni Capt. Albert Caber ng Army’s 1st Infantry Division na ang bandido ay pinangungunahan nina by Ahmad Aliman, Umair Wakil, Akbar Tampuri at Madi Umangkat.

Naganap ang insidente sa Sitio Buhi Manicaan sa Barangay Sapah Bulak sa Sumisip town nitong Huwebes ng hapon. Niratrat ang mga biktima habang sakay sa motorsiklo at pauwina sa kanilang bahay mula sa Tumahubong.

Sinabi ni Col. Carlito Galvez, commander ng 104th Brigade, na ang 2 militiamen, na kapwa hindi armado, ay dumalo sa isang dayalogo sa mga non-government organizations, religious sectors at mga opisyal mula sa Cooperative Development Authority.

Sinabi ni Caber na ang mga nasawi ay dinala na sa Isabela City habang ang mga sugatan naman ay dinala sa isang ospital sa Zamboanga City para sa kaukulang medical attention.

Ikinasa na ng awtoridad ang pagtugis sa mga bandido para panagutin sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply