3 tulak ng droga nalambat sa Taguig

TAGUIG CITY – Isang hinihinalang kilabot na tulak kabilang ang mag-asawa na pinaniniwalaang nagkakalat ng ipinagbabawal na droga ang magkakahiwalay na dinampot ng mga elemento ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) sa mga lugar ng Barangay Upper Bicutan at Barangay North Daang-Hari ng nasabing lungsod, ayon sa isinumiteng ulat ni PSInsp. Jerry O. Amindalan kay Taguig Chief-of-Police PSSupt. Tomas Colet Apolinario Jr.

Kinilala nina arresting officers PO3 Noel O. Antillion Jr., PO3 Alric Valle, PO3 Christopher Bonifacio at PO1 Jerry Balbin ang kanilang mga binitbit na si William F. Serna, 46, walang hanap-buhay, nakatira sa Blk. 71 Lot 46, Brgy. Upper Bicutan at ang mag-asawang sina Noel B. Duran at Flordeliza M. Duran, kapwa nakatira sa 71 Road 1, Brgy. North Daang-Hari.

Sinabi ng mga undercover agents na bago nailatag ang buy bust operations ay nakipag-ugnayan ang isang reliable informer sa kanilang himpilan kung saan ay isiniwalat nito ang ginagawang pagbebenta umano ng mga suspect doon sa mga tinukoy na lugar.

Dahil sa kanilang nakalap na impormasyon, agad na nakipag-ugnayan ang SAID-SOTG sa PDEA at DAID SOTG upang ganap na maikasa ang apprehending actions laban sa mga pinaghihinalaang drug pushers.

Positibong nahuli sa akto ang mga salarin ng tanggapin ng mga ito ang marked money na inilatag ng mga awtoridad.

Kinumpirma ng SPD Crime Laboratory na methamphetamine hydrochloride ang mga nasamsam na ebidensiya. Nahaharap sa magkakahiwalay na kasong paglabag sa R.A. 9165 ang mga ikinulong na salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply