3 tulay na nasira ng lindol sa Samar, nadadaanan na

MAAARI nang daanan ang tatlong tulay na nasira ng 7.7 magnitude na lindol sa Eastern Samar.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos na temporary bridge ang inilagay sa bahagi ng San Julian na nagkabitak-bitak dulot nang
katandaan.

Nakumpuni na rin ang ilang nasirang gymnasium at gusali na nagkaroon lamang ng maliliit na bitak.

Gayunpaman, balot pa rin ng takot ang ilang residenteng naapektuhan ng malakas na lindol sa naturang lugar.

Ayon kay Ramos, hindi pa bumabalik sa kanilang mga tahanan ang mga apektadong residente mula sa mga bayan ng Guiuan, Salcedo at Borongan.

Mayroon, aniyang, mga bahay na nagkaroon ng bitak kayat hindi pa ligtas tirahan dahil may mga aftershocks pa na nararanasan na umaabot sa intensity 5.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply