30 bahay sa Parañaque, Muntinlupa, tinupok ng apoy

TINATAYANG umabot sa 30 kabahayan ang natupok sa isang residential area sa pagitan ng lumgsod ng Parañaque at Muntinlupa na nagsimula dakong 1:50 kaninang madaling araw.

Nagsimulang kumalat ang apoy sa bahay ng isang Toto Maganto sa Estrada 1 Compound, Barangay BF Homes.

Ayon sa Parañaque at Muntinlupa Fire Bureaus, umabot sa 3rd alarma ang sunog bago tuluyang naapula alas-3:56 ng umaga.

Dahil dito, pansamantalang ipinasara ang isang bahagi ng service road sa South Luzon Expressway (SLEX) .

Wala namang nasugatan sa sunog habang inaalam pa ang sanhi nito at halaga ng mga natupok o napinsalang mga ari-arian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply