30-day preventive suspension sa parak na may kaso

PAPATAWAN ng 30 araw preventive suspension ang sinumang pulis sa Metro Manila na mahaharap sa mabigat na reklamo gaya ng grave misconduct, robbery extortion at mga kriminal na kaso.

Sa pagbisita ngayon ni National Capital Region (NCR) Director Leonardo Espina sa Manila Police District Headquarters matapos ang kanyang courtesy call kay Manila Mayor Alfredo Lim, sinabi nito na awtomatikong maparurusahan ang mga miyembro ng PNP na masasangkot sa mabigat na reklamo o kaso.

Sinabi ni Espina na dapat umusad ang imbestigasyon habang nasa preventive suspension ang inirereklamong pulis.

Tatanggalan din ng tsapa at service firearm ang inireklamong pulis at mananatili lamang siya sa headquarters para mabilis siyang makatutugon sakaling siya ay ipatawag para sa imbestigasyon.

Nasa district director naman ang siyang magrerekomenda kay Espina kung dapat na masibak sa serbisyo o hindi ang pulis na nagkasala.

Na kay Espina naman ang pinal na desisyon sa magiging parusa ng inirereklamong pulis, at ang desisyon ay kinakailangan umanong mailabas kasabay ng pagtatapos ng 30 araw na preventive suspension laban sa nasabing pulis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply