30 katao muntik paglamayan sa Antique

TATLUMPONG katao na pupunta lamang sana sa burol ang muntik na ring paglamayan nang bumaligtad ang sinasakyan nilang truck sa Laua-an, sa ulat ng PNP Antique, kahapon.

Ayon kay Antique Provincial Director P/Chief Agrimero Cruz Jr.  naganap ang sakuna bandang alas-9:99 ng umaga sa Sitio Malamawan Barangay Lindero, bayan ng Laua-an.

Nabatid na sakay ng Izusu canter 9FDF-205) na pag-aari ni Mayor Aser Baladjay ng Laua-an at minamaneho ni Ricaredo Sarona, 56 at kawani ng nasabing munisipyo at kasalukuyang naninirahan sa Barangay  Intao.

Napag-alaman pa sa text message na galing ang mga biktima sa Barangay Tigunhao, Tibacan, Lupa-an at dadalo sana sa libing ni Audy Aba ng Barangay Tigunhao.

Habang pababa ang nasabing truck na tumatakbo sa kanyang normal speed ay biglang nawalan ng kontrol ang driver nito at nalaglag sa kanang shoulder ng kalsada dahilan upang tumilapon ang mga sakay nito.

Mabilis na itinakbo ang mga sugatan sa Bugasong Community Hospital, sa Antique; subalit agad ding inilipat sa Salazar Memorial Hospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply