300 Taiwanese ipinade-deport ni De Lima

IPINAG-UTOS ni Justice Secretary Leila De Lima ang pagpapa-deport sa 300 Taiwanese na sangkot sa cyber-crime.

Kinumpirma ito ni Bureau of Immigration (BI) spokesperson Ma. Antonette Mangrobang kaugnay sa papapauwi ng mga dayuhan.

Matatandaan nitong nakaraang Agosto umabot sa 20 bahay mula sa magkakaibang lungsod ang sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nagresulta sa pagkakadakip ng 357 dayuhan na sinasabing sangkot sa cybercrime syndicate.

Karamihan umano sa mga nadakip ay mga Taiwanese at Mainland Chinese. Kasama sa mga naaresto ang hinihinalang financier ng grupo na Filipino-Chinese na sina Maria Luisa Tan at Jonson Tan Co.

Una nang hinarang ni De Lima ang pagpapa-deport sa mga naturang Taiwanese matapos sermunan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Bureau of Immigration (BI) subalit sa bandang huli ay nagbago ang isip ng kalihim.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply