31st exploratory talks ng GRP at MILF, gagawin sa Malaysia

ISASAGAWA ngayong linggo ang formal exploratory talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang napagkasunduang venue ay batay sa naging pahayag ni Polly Michelle Cunanan, ang tagapagsalita ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

Ang exploration talks ay ika-31 pag-uusap sa pagitan ng dalawang grupo simula ng magpatuloy ang negosasyon noong 2009.

Pag-uusapan sa peace talks ang mga contentious issue katulad ng power at wealth sharing na kabilang sa 10 decision points na nilagdaan at napagkasunduan ng magkabilang panig.

Inaasahan umanong magkakaroon na ng pinal na kasunduan bago magtapos ang kasalukuyang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply