34 OFWs mula Kuwait nakauwi na sa Pinas

MASAYANG nakabalik sa bansa kagabi ang 34 overseas Filipino workers (OFWs) galing Kuwait kaugnay sa repatriation program ng pamahalaan.

Bandang 10:20 kagabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sinasakyan nilang Emirates Airways Flight EK 334.

Ayon kay OWWA Adminsitrator Carmelita Dimzon, karamihan sa repatriates ay mga kasambahay na tumakas sa kani-kanilang mga amo.

Sinabi ni Dimzon, nagpasyang bumalik sa bansa ang mga OFW dahil sa ginawang pang-aabusong pisikal at sekswal ng kanilang mga amo.

Maliban dito, hindi rin pinapahasod at pinapakain ang ilan sa kanila habang ang iba ay undocumented o walang ligal na dokumento.

Ang pagpapauwi sa mga OFW ay bunga nang tuloy-tuloy na repatriation efforts ng gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply