357 bahay nawasak ng lindol sa Bukidnon

ABOT ng 357 bahay ang nawasak sa lungsod ng Valencia City, Bukidnon dahil sa landslide na epekto sa dalawang magkasunod na lindol na tumama nitong nakaraan na araw sa bayan ng Maramag, Bukidnon.

Ang daots ay batay sa ulat ni Valencia City Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) Exec Director Alejandro Lanoza hinggil sa nasabing trahedya.

Napag-alaman na umabot ng limang barangay sa lungsod ng Valencia ang apektado sa naturang lindol na kinabibilangan ng Brgy. Guinuyuran, Tugaya, Lourdes, Lilingayon at Mt. Nebo.

Inihayag ni Lazona na nangyari ang pagguho sa mabundok na lupain nang tumama ang 5.6 magnitude na lindol at sinundan ng 4.9 magnitude na lindol sa bayan ng Maramag at kabilang ang lungsod ng Valencia sa nakaranas ng intensity 4.

Iniulat din ni Lanoza na sa barangay Lourdes mayroong isang paaralan at dalawang simbahan ang nasira at sa Mt. Nebo naman mayroong barangay road na hindi madaanan at nanatiling hanggang sa ngayon ang ilan sa mga pamilya sa barangay Lilingayon sa evacuation centers dahil sa pangamba sa aftershocks.

Nilinaw naman ni Lanoza na walang namatay sa naturang lindol ito’y bunsod na rin sa naunang nabalita na mayroong isa ang patay.

Nilinaw ni Lanoza na ang namatay na si Rey Bacay na taga-Brgy. Guinuyuran, Valencia city ay hindi namatay sa lindol bagkus ay sa dinaramdam na sakit lalo pa’t matagal na umano itong na-stroke.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply