37 sugatan sa pagsabog sa Davao City

UMABOT sa 37 katao ang sugatan sa pagsabog ng granada sa Davao City, kagabi.

Batay sa ulat sa Camp Crame, alas-9:00 ng gabi naganap ang pagsabog sa Barangay Fatima, Paquibato District sa naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang circus show ang isinasagawa sa covered court bilang bahagi ng brgy parochial fiesta sa Setyembre 13 nang maganap ang pagsabog.

Sinasabing isang hindi nakilalang lalaki ang naghagis ng granada sa temporary detachment ng peace and development team of 69th infantry battalion na tumama sa tarpaulin kaya’t ang mga nanonood ng circus ang nabiktima.

Isinugod ang mga biktima sa pagamutan kung saan lima sa mga ito ang kritikal.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply