38% residential building sa Metro Manila guguho – Phivolcs

IBINABALA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na posibleng gumuho ang mga marurupok na residential building sa Metro Manila.

Ayon sa Phivolcs, may 38%  residential building sa Metro Manila ang guguho sakaling tumama ang mahigit sa magnitude 7.2 na lindol.

Ang babala sa publiko ay inihayag  ni Phivolcs Director Renato Solidum, dahil mas mahina ang mga residential buildings kaysa mga matatayog na commercial buildings sa Metro Manila.

Pero ayon kay Solidum, depende sa tibay ng mga building kung mananatiling nakatayo ang mga ito o masisira.

Ang mahalaga umano ay dapat laging handa kung ano ang nararapat gawin sakaling magkaroon ng malalakas na pagyanig.

Nilinaw din ni Solidum na sapat naman ang kanilang pondo para sa paghahanda sakaling magkalindol sa Metro Manila.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply