4-day old baby boy dinukot sa ospital

ISANG 4 na araw na sanggol na lalaki ang nawawala makaraang makatulog ang ina habang nakaratay sa OB ward ng Western Visayas Regional Hospital kaninang umaga.

Nabatid na nawala ang sanggol dakong alas-3:00 kaninang madaling araw nang makaidlip ang ina nito na si Emily Silva, 33, residente ng Abada Escay, Bacolod City.

Ayon sa salaysay ng ginang, nakaidlip umano siya dahil sa sobrang antok habang nasa OB ward ng pagamutan, ngunit bigla na lang nawala ang kanyang anak sa tabi nang ito ay magising kaninang madaling araw.

Nakikipagtulungan naman ang pamunuan ng naturang ospital at pulisya upang malaman kung sino ang responsable sa pagkawala ng sanggol.

Iniluwal ni Emily ang kanyang sanggol noong Lunes, Setyembre 17.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply