4 hukom, 1 clerk of court, bibigyan ng award

PAGKAKALOOBAN ngayong taon ng Judicial Execellence Award ang apat na hukom at isang clerk of court.

Ayon sa Public Information Office ng Supreme Court, gaganapin ang awarding ceremony alas-4 ng hapon sa Centennial Hall A ng Manila Hotel sa September 24, 2012.

Ang anunsiyo ay ginawa ng SC sa pakikipag-ugnayan sa Society for Judicial Excellence.

Kabilang sa 2012 awardees para sa Second-Level Courts ay sina Judge Maria Theresa Dolores C. Gomez-Estoesta ng Regional Trial Court, Branch 7, Manila, bilang Chief Justice Cayetano Arellano Awardee; Judge Geraldine C. Fiel-Macaraig ng Regional Trial Court, Branch 192, Marikina City bilang Chief Justice Jose Abad Santos Awardee; Judge Gregorio V. Dela Peña ng Regional Trial Court, Branch 12, Zamboanga City bilang Chief Justice Ramon Avanceña Awardee; at Judge Emily L. San Gaspar-Gito ng Metropolitan Trial Court, Branch 20, Manila bilang Don Antonio P. Madrigal Awardee.

Si Atty. Maria Christine A. Imperial-Bernarte ng Regional Trial Court, Branch 24, Manila ay tatanggap naman ng Outstanding Branch Clerk of Court of the Second Level Courts .

Si Senior Associate Justice Antonio Carpio ang nanguna sa Board of Judges kasama si retired Justice Bernardo P. Pardo, Associate Justice Diosdado M. Peralta, retired Justice Angelina Sandoval-Gutierrez, Philippine Judicial Academy Chancellor Adolfo S. Azcuna, Atty. Maria Milagros Fernan-Cayosa ng Judicial and Bar Council, Atty. Roan I. Libarios ng Integrated Bar of the Philippines, at Dean Ernesto P. Maceda, Jr. Ong College of Law of Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply