4 na barangay sa Gensan, lubog sa baha

DAHIL sa walang humpay na pag-ulan, muli na namang binaha ang ilang mga barangay sa General Santos city makaraan ang dalawang araw na sunod sunod na pagbuhos ng ulan sa dala na rin sa naranasang Shallow Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao.

Ang mga barangay na palaging apektado ng pagbaha ay kinabibilangan ng Baluan, Buayan, Bula, Lagao at mga kalsada.

Problema pa rini hanggang sa kasalukuayn ang drainage system sa Gensan tulad sa Barangay Baluan, umabot sa 200 ang apektadong pamilya na pinasok na tubig baha ang kanilang mga bahay.

Umabot naman sa 20 hanggang 30 ektarya ng palayan ang apektado sa barangay Baluan.

Ayon kay barangay Baluan Kapitan Armand Diamante, isa sa mga dahilan ng palaging pagbaha sa kanyang lugar dahil sa napakababa ang kanilang lugar at maliban dito ay hindi pa natatapos ang pagsasaayos ng Baluan creek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply