4 Ozamis gang member, namataan sa Cavite

MATAPOS mabigong masilo sa ikinasang police dragnet sa Quezon City nitong Sabado ng gabi laban sa apat na miyembro ng Ozamis Gang na responsable sa panghoholdap sa LBC at convenient store sa Metro Manila, pinaniniwalaang nagtatago na ngayon ang mga holdaper sa Cavite province.

Sinabi ni Chief Inspector Ferjen Torred, hepe ng Parañaque police’s intelligence unit, na bineberipka pa nila ang impormasyon na ang mga suspect ay nakahanap ng hideout kundi sa Bacoor, Paliparan o Dasmariñas, sa Cavite.

“We are checking these reports. The Ozamis group is not likely to stay long in one place, that’s why we are very careful with our follow-up operations,” dagdag pa ni Torred.

Nakahanda nang salakayin ng awtoridad ang pinagtataguang hideout ng mga suspect sa Tandang Sora, Quezon City matapos sabihan sila ng kanilang impormante ang presensya ng isa sa mga suspek sa lugar.

“However, the suspects escaped after the Parañaque police came out with their names and pictures on TV. Now the police is back to square one but they are following up leads,” panghihinayang na sambit ng source.

Sa kabila nito, ibinunyag na rin ang pagkakakilanlan ng mga suspect at ito ay kinilalang sina Wilfredo Panogalinga Jr. alias “Kulot,” Harry Alfeche Sampiloc, Mario Elumbaga at Reymar Paran.

Si Panogalinga, na nasintensiyahan ng 6 taong pagkakakulong sa kasong illegal possession of firearms, ang siyang nanutok ng baril sa lady cashier ng 7-11 Leveriza branch noong Agusto 20 at saka nagdeklara ng holdap.

Sina Sampiloc, Elumbaga at Paran naman ang nakita sa closed-circuit television (CCTV) footage na ipinalabas ng police at lumabas sa isang broadsheet newspaper noong Sept. 3.

Ang apat na suspek ay kabilang sa 12 preso na pumuga sa Ozamis City Jail nitong nakaraang Hulyo 28.

Sila rin ang itinuturong kumakana sa mga panghoholdap sa mga sangay ng LBC Bacoor, Cavite; Quirino, Manila, Quezon City at Tambo sa Parañaque City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply