4 patay, 2 kritikal ng pagbabarilin sa Malabon

PATAY ang apat katao habang kritikal ang dalawa matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga grupo ng avatar habang ang mga una ay nag-iinuman sa loob ng computer shop sa Malabon City kaninang madaling araw, Setyembre 2.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan sina Oscar Ibo, 48; JM Galvez; Marco Ibo, 20 at Michael Manuel, 21 pawang mga taga Gozon cmpd., Tonsuya ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan sina John Sin Rimando at Bernabe Rimando kapwa ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-4 ng madaling araw, nag-iinuman ang mga biktima na miyembro ng Bulabog Gang sa loob ng computer shop sa nasabing lugar nang dumating ang pitong miyembro ng Avatar at pinaulanan ng mga bala ang mga biktima

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sina Rimando sa JRMMC.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply