4 Taiwanese na itinago sa hotel, nasagip ng NBI

NASAGIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na Taiwanese mula sa walong kababayan nila na sindikato ng kidnap for ransom na kanila namang ikinaaresto sa isang budget hotel sa Malate, Maynila.

Kinilala ni NBI director Nonnatus Caesar Rojas ang mga biktimang sina Lai Yen Hung, Alyas “A-Hong”; Yin Habing; Hsu Hsin-Chung, at  Jiang Nan.

Habang naaresto naman ng NBI- Reaction Arrest and Interdiction Division (RAID) ang mga kasapi ng sindikato na kinilalang sina Hung-Chang Lai, 35; Ting-Chien Li, 23; Lin Cheng Cho; Cheng-Hao Hung, 24; Jyun-Kai Zeng, 28; Hung-Chuan Chan, 34; Wei Ming Lio; Yan Pen Yang, na pawang tubong Taiwan din at isang Pinay na  kasabwat nila na kinilalang si Catherine Genetia Taruc, 28, ng  F. Libamao Street, Buliran, San Miguel, Bulacan.

Sa ulat ni NBI-RAID head agent Ross Jonathan Galicia, naganap ang pagsalakay sa loob ng Victoria Court, sa Qurino Avenue, Malate, Maynila dakong alas 2:00 ng hapon nitong nakalipas na Martes.

Nakatanggap umano ng tip ang ahensya noong Setyembre 4, mula sa isang empleyado ni Hung na ang kanilang amo at misis nito at business partners ay dinukot ng kapwa nila Taiwanese nationals at ipinatutubos umano ng P2-milyon.

Ang mga biktima ay itinago umano sa Victoria court at nang mairescue sa tulong ng mga tauhan ng  Manila Police District at security guards ng hotel,nadatnan ang grupo ng sindikato at mga biktima.

Nabatid na si Ah-Hong ay nagtamo ng head injuries habang nakakadena naman sa poste ng kama ang misis niya.

Narekober mula sa mga suspect ang isang baseball bat, isang Ford Expedition van, mga kadena at padlocks , na pinainiwalaang gamit sa kidnap for ransom activities.

Ilang pasaporte rin ng mga suspek at biktima at mga cellphone ang narekober sa lugar .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply