43% kaso ng tax evasion isinampa ng BIR, ibinasura ng DOJ

IBINASURA ng Department of Justice (DOJ) ang halos kalahating porsiyento sa mga kaso ng tax evasion  na isinampa ng Bureau of Internal Revenue dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Batay sa datos ng DOJ, umaabot sa 43 porsiyento ng mga kaso ay pinawalang-saysay dahil sa kawalan ng probable cause o batayan upang usigin sa Court of Tax Appeals.

Kabilang sa mga nakinabang sa nabasurang tax evasion case  ay yumaong Thelmo Cunanan,  dating pinuno ng Social Security System  na namatay bago maisulong ang kaso sa korte: may-ari ng  Club Manila East na sinaJulio at Priscila Cruz; mga opisyal ng Vintage Fashion Inc. na sina Michael Tung Lim, Rosita Lu Dy, Nida Chan, Kelly Pascual, Amor de los Santos at Beatrice Ramos; Dr Marcelle Marie Palanca Tan-Chen at SW Tenglee Tengsico Tan; dating  trustee ng  Government System for Insurance Service na si Jesus Santos; dating chairman ng Philcomsat Holdings Corporation na si Benito Ramon Araneta; dating PHC director Luis Lokin Jr.; dating PHC director Philip Brodett; ang rice importer na nakabase sa Cebu na si Nilo Alegado.

Kasama rin ang pinsan ni Pangulong Benigno Aquino  na si Antonio “Tonyboy” Cojuangco;  movie producer Carlo Caparas; Atty Gary Tionco.

May-ari ng Jevon Enterprises na si Teresita  J. Te; ang president ng Golden Dragon International Terminals  na si Pablo Ronquillo; Atty George Erwin Garcia; at GSIS board member Mario Ramirez.

Sa kabila ng pagdismis, naghain ng motion for reconsiderations sa DOJ ang BIR upang isantabi ang naging desisyon puwera na lamang sa kaso laban kay Cunanan at mag-asawang Cruz.

Nabatid na mula July 2010, 129 na kaso ng tax evasion ang naisampa sa DOJ ng BIR sa ilalim ni Commissioner Kim Jacinto-Henares.

Umaasa ang BIR na makarekober ng P43.073-B na tax payments sa mga kasong kanilang isinampa sa justice department.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply