$4,468 padala, na i-cash out ng iba sa Western Union, Ermita

NAWALA ng parang bula ang tinatayang $4,468 na matatanggap sana ng isang 47-anyos ginang sa kanyang employer/sponsor mula sa Doha, Qatar sa isang sangay ng Western Union sa Ermita, Maynila matapos umanong mai-cash out ng ibang tao.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment (MPD-GAS), ang biktimang si Flordeliza Filler, ng M.Recruitment Agency, Century High HR Room 201 Merchant Building, P. Faura, Ermita, Maynila at residente ng AH P-32-13 10th 9 Street Villamor Airbase, Pasay City.

Ayon kay Filler, nagtungo umano siya sa sangay ng Western Union sa may Padre Faura sa pagitan ng alas 10-11 ng umaga, kamakalawa para kunin ang kanyang pera na $680 at $3,788 na ipinadala sa kanya ng kanyang employer/sponsor sa Doha, Qatar.

Isang teller naman ang umasiste sa biktima ngunit laking gulat nito nang sabihin sa kanya na nai-cash out na ang kini-claim nitong pera.

Katwiran naman ni Filler, noon lamang siya nagtungo sa Western Union.

Bunsod nito, nagtungo na lamang si Filler sa MPD-GAS upang magreklamo.

Nagsasagawa naman ngayon ng masusing imbestigasyon at follow-up operation ang pulisya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply