5 ASG patay sa rescue operation sa Zamboanga

LIMANG miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa iba’t ibang kidnapping for ransom operation ang napatay sa  Zamboanga City sa isinagawang rescue mission ng militar, kung saan nailigtas naman ang dinukot na Filipino Chinese businessman sa ulat ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Sa report ng PAOCC, nailigtas ng kanilang operatiba si Yuan-Kai Lin, vice president for operations ng Li-Lo Minerals Traders, isang mining firm nang dukutin nitong nakalipas na buwan sa Zamboanga Sibugay, kasama ang isang Jian Luo, na tumatayong  vice president for finance ng nasabi ring kompanya.

Nabatid na naganap ang barilan bandang 9:45 ng umaga sa Barangay Calabasa na nagresulta sa kamatayan nina Termije Ajijul, Sitti Raja Salvin, Abu Ulm, Arab-Arab at Banah-Banah.

Isang kasapi ng ASG na kinilalang si Sambri Aslon Kamlon, alyas Abu Ziad, ang nadakip at kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine National Police-Western Mindanao Command (PNP-WesMinCom).

Samantala, nagawa namang makatakas ng pinuno ng grupo na kinilalang si Khair Mundos na itinuturing na leader at  financier ng States Department of Justice na pinaglaanan ng reward na $500,000 para sa impormasyong magreresulta sa kanyang ikadarakip.

Nadakip si Mundos noong 2004, subalit nagawang makatakas sa provincial jail noong 2007.

Aminado naman ang finance officer na siya ang responsable sa pag-aasikaso at pagpopondo sa mga terrorist project.

Tumagal ng halos 20 minuto ang bakbakan ng magkabilang grupo.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang ilang high powered firearms, 14 backpacks, training manuals ng  Southeast Asian terror group Jemaah Islamiyah, mobile phones at iba’t ibang personal belongings.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply