5 bahay, naabo sa GenSan

NASUNOG ang limang bahay makaraang kumalat ang apoy sa purok Kasilak, Barangay Dadiangas West , General Santos City.

Ayon kay FO3 Allan Rey Emperio, Fire and Arson investigaror ng Bureau Of Fire Protection General Santos city, ang nasunog ay nagsimula dakong alas 6:45 at mabilis na rumesponde ang mga bombero kasama din ang ilang volunteers sa sunog matapos matanggap ang report.

Umabot sa limang bahay ang natupok ng apoy na pag-aari ng pamilyang Fabroa, Achacuso, Leopoldo at Luzviminda Villareal, at pamilyang Payos pero mabuti na lang at walang nasaktan sa pangyayari.

Ayon sa BFP, malaki ang kanilang pasasalamat dahil mabilis na nakatawag sa kanilang tanggapan ang mga residente at mabilis rin silang nakapagresponde kaya naiwasang madamay pa ang ibang bahay.

Malakas na alon

Samantala, inaalam naman ngayon ng city disaster officials sa lungsod ng Gensan kung magkano ang pinsalang iniwan dahil sa paglaki ng alon sa coastal barangay ng nasabing lungsod.

Nabatid na aabot sa 40 pamilya ang apektado sa nasabing insidente kagabi.

Ayon kay Purok Chairman Merna Esmael ng Kulasi, Barangay Labangal, isa ang sugatan na kinilalang si Jairan Tato dahil sa paghampas ng malaking alon sa kanilang bahay.

Nangyari umano ang paglaki ng alon matapos yumanig ang magnitude 7.7 na lindol sa bahagi ng Visayas at Mindanao kung saan naramdaman ang intensity 3 sa GenSan.

Pansamantalang nanuluyan ang mga residente sa kani-kanilang mga kamag-anak at day care center at inaasahan na babalik din ngayong araw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply