5 bahay wasak, 3 sugatan sa flashflood sa Cebu

LIMANG bahay ang nawasak habang tatlo ang sugatan makaraang makaranas ng pagragasa ng tubig na nagresulta ng pagbaha sa Sitio Granada, Barangay Quiot, Cebu City.

Base sa pahayag ng mismong mga residente sa naturang lugar, biglaan ang pagragasa ng tubig patungo sa kanilang bahay

Kabilang sa mga nasugatan ay isang 75-anyos na lalaki na halos matangay na ng baha.

Inilikas naman ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga naapektuhang pamilya sa naturang flashflood.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply