5 miyembro ng ‘Tabas gang’ natimbog

BINITBIT ng mga tauhan ng Manila-City Hall Public Assistance (CHAPA) ang limang hinihinalang miyembro ng tinaguriang “Tabas gang” na ang modus operandi ay manakot, mangotong at tumangay ng mahalagang kagamitan ng mga estudyante, sa Claro M. Recto Avenue, sakop ng Sta Cruz, Manila, iniulat ng pulisya.

Nahaharap sa mga kasong robbery with intimidation at obstruction (Revised Ordinance 1119) sa Manila City Prosecutor ang mga naarestong sina Raymond Sumagi ; Helbert Angeles ; Roel Gomez ; Jeffrey Bercasio at Edward Ramirez, pawang mga namamasada ng kuliglig.

Batay sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera, dakong 3:00 ng hapon nitong Agosto 28, nang pagdadamputin ang mga suspek sa harapan ng Isetann Mall, sa sangay ng Claro M. Recto Avenue, sakop ng Sta.Cruz, matapos na humingi ng tulong ang isang TV Network kay P/Sr.Insp. Rolando Lorenzo Jr., hepe ng CHAPA, dahil sa umano’y malalang gumagawa ng matinding pangingikil ng mga nasabing kuliglig drivers na may rutang Divisoria at Isetann mall, sa mga pasahero , na sinisingil ng 400 hanggang 500.

Nabatid sa report na sa halip na dating P50.lamang, ay nagiging abusado na ang mga ito , dahil sa kanilang estilo o modus operandi .

Napag-alaman pa na “kuyog” ang mga nasabing suspek kaya takot ang mga estudyante, na pumalag kaya nakukuha ng mga ito ang mahalagang gamit ng pasahero tulad ng cellphones, at madalas umanong biktimahin ay mga kolehiyala at menor de edad na mas madaling takutin.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng masusing pagmamanman , habang kasama ng pulisya ang grupo ng isang network at dito na nadakip isa isa ang mga itinuturong suspek .

Nakumpiska sa mga suspek ang 3 kuliglig na gamit sa kanilang modus, at kasalukuyang pinipigil ang lima para sa kaukulang kasong kanilang haharapin

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply