5 naospital sa nilantakang kabute

LIMA ang naospital makaraang mahilo sa kinaing “ihi-ihi” na kabute sa Sitio Turil, Barangay Tingub, siyudad ng Mandaue.

Nakilala ang mga biktima na sina Leonedes Durano, ang live-in partner nito na si Marjie Basalo, ang kanilang dalawang taong gulang na anak at ang dalawa nilang kapitbahay na sina Junjun Basalo at Benji Montes.

Nakalabas na ng pagamutan ang tatlo sa mga biktima habang ang dalawa ay patuloy pang ginagamot ng mga doctor.

Nabatid na hinapunan ng mga biktima ang niluto ni Marjie na kabute na ibinigay lamang sa kanya ng kapitbahay galing sa isang hardin ngunit ilang minuto ang nakalipas ay nagsuka na ang mga biktima at nakaranas ng pananakit ng tiyan.

Kaagad silang isinugod sa ospital at natukoy din ang sanhi ng pananakit ng kanilang iyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply