5 pasaherong nawawala sa Tawi-Tawi, patuloy na hinahanap

BIGO pa rin ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na mahanap ang limang pasahero sa lumubog na pampasaherong bangka sa karagatan ng Bongao,Tawi-Tawi.

Ayon sa report ng Philippine Coast Guard (PCG) Tawi-Tawi station, patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation at umaasang makikita pang buhay ang nawawalang mga biktima.

Nakipag-ugnayan na rin ang PCG sa mga mangingisda sa lugar sa paghahanap sa mga biktima.

Matatandaan na lumubog ang FB Sereana sa baybayin sakop ng Tampat Pt, Pasiangan, Bongao, Tawi-Tawi nang ito ay magkaaberya.

Pito ang naiulat na nasawi, 15 ang nailigtas habang 5 ang nawawala na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply