5 suspek sa Makati engr slay, kinasuhan na

KINASUHAN ang lima katao sa pagpatay kay Makati City engineer Nelson Morales sa Barangay Estancia, Malinao ,Albay.

Kinilala ni Police Supt. Renato Bataller ang limang suspek na sina Gilbert at Ramson Concepcion, Roderick Saysay Sarahan ,Wilfredo Sasota at isang John Doe ,pawang mga residente ng bayan ng Libon.

Kinasuhan din ng attempted at frustrated murder ang lima dahil tinutukan ng isa sa mga suspek ang kapatid na babae ng biktima na si Malinao Vice Mayor Alice Morales at isa sa mga alalay nito na nasugatan sa insidente.

Nahuli ang ibang suspek sa pamamagitan ng cellphone na nakuha sa bulsa ng napatay na suspek na si Christian Saysay, na siyang bumaril kay Morales.

Inaresto din ang pinsan ng napatay na suspek na si Sarahan dahil din sa text messages na nakuha sa celphone .

Lumabas sa imbestigasyon na lima katao ang nagdala sa ospital kay Saysay sa Ligao City matapos ang pamamaril, kung saan idineklara itong dead on arrival .

Ayon kay Chief Inspector Robert Capuz, hepe ng Malinao, ang mga suspek ay mga miyembro ng isang sindikato sa Bicol na tinaguriang “Concepcion Gang” at pinamumunuan ng isang retiradong sundalo ng army.

Inaalam na ng mga imbestgador ang pagkakilanlan ng mga taong umupa sa mga suspek para patayin ang biktima .

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply