522 nasawi sa dengue – DOH

MAHIGPIT pa rin ang tagubilin ng Department of Health (DOH) sa publiko na maging maingat laban sa sakit na dengue matapos na makapagtala ng 522 katao na nasawi dahil sa sakit nito lamang unang walong buwan ng taong 2012.

Batay sa latest Disease Surveillance Report na ipinalabas ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), ang naturang bilang ng dengue deaths ay kabilang sa kabuuang 87,649 dengue cases na naitala nila mula Enero 1 hanggang Agosto 25, 2012.

Ayon sa DOH, ang naturang kauuang bilang ng sakit na dengue ay  mas mataas ng 12.06% kumpara sa 78,218 kaso na naitala sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Karamihan sa mga kaso ng sakit ay naitala sa National Capital Region (20.1% o 17,618 kaso), Region III (15.42 % o 13,518 kaso) at Region IV-A (14.69% o 12,877 kaso).

Ang NCR din ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng dengue deaths na umabot sa 86, sumunod ang Region IV-A na may 78 dengue deaths, pangatlo ang Region XI (6,256 dengue cases) na may 67 dengue deaths habang ang Region VI (6,698 dengue cases) naman ay may 64 dengue deaths.

Bagamat marami naman ang naitalang kaso ng dengue sa Region III ay umabot lamang naman sa 30 ang bilang ng mga pasyente na nasawi sa naturang rehiyon.

Nabatid na mahigit kalahati ng mga kasong naitala ay mga lalaki (52%) habang ang 47% naman ng mga kaso ay kabilang sa 1 to 10 years age group.

Sa NCR, pinakamaraming naitalang kaso ng sakit sa Quezon City na may 5,545 kaso at 29 deaths, sumunod ang Maynila na may 2,790 kaso at 12 deaths at pangatlo ang Caloocan City na may 1,987 kaso at 10 deaths.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply