6 abogado absuwelto sa disbarment case

ABSUWELTO sa kasong disbarment o pagtatanggal ng lisensiya ang anim na abogado ng isang law office.

Sa press statement na ipinalabas ngayon ng Korte Suprema, kabilang sa mga naabsuwelto ay sina Atty. Manuel M. Lazaro, Atty. Edwin M. Espejo, Atty. Abel M. Almario, Atty. Michelle B. Lazaro, at Atty. Joseph C. Tan.

Isang Jasper Juno F. Rodica naman ang naghain ng disbarment case sa mataas na hukuman laban sa nabanggit na abogado dahil sa umano’y paglabag sa Code of Professional Responsibility ng mga nabanggit na lawyer.

Sina Atty. Manuel Lazaro, Atty. Espejo, Atty. Almario, at Atty. Michelle Lazaro ay abogado ng M.M. Lazaro and Associates Law Office at counsel ng dayuhang si William Strong, live-in partner ni Rodica.

Ang mga abogado ng Lazaro Law Office ay inakusahan ni Rodica na nagsabwatan sa panloloko sa kanya at hinimok siyang iatras ang kaso na isinampa sa mababang hukuman kaugnany sa Boracay property.

Gayunamn, sa pag-aaral ng SC ay lumalabas na walang kaugnayan ang Boracay case sa disbarment ng anim na lawyer at hindi rin napatunayan ang alegasyon na tinatakot si Rodica ni Atty. Manuel na gagawan ng masama pati ang kanyang pamilya kung hindi iuurong ang naturang kaso.

Napatunayan din ng SC na kaya inatras ni Rodica ang kaso sa RTC ay upang mapadali ang pagbebenta ng Boracay property sa isang Philip Apostol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply