6 drug runner na bagets dinampot sa Maynila

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Anti Drug Abuse Council (ADAC) ang anim na menor de edad na umano’y mga drug runner sa España, Maynila, kagabi (Setyembre 13).

Ayon kay Retired Col. Mar Reyes, hepe ng Manila ADAC, ang mga naarestong kabataan ay isasailalim sa rehabilitation upang makaiwas sila sa iligal na droga at maturuan na makapagbagong buhay.

Nabatid na ganap na alas-6:00 kagabi nang mamataan sa harap ng convenience store sa Blumentritt at España streets.ang mga menor de edad kung saan nagkaroon pa ng habulan bago sila tuluyang nadakma ng mga tauhan ng ADAC.

Nauna na umanong binigyang babala ni Reyes ang mga magulang ng mga naarestong kabataan na kakasuhan dahil sa kanilang kapabayaang madisiplina ang mga ito.

Ayon pa kay Reyes, nagsisilbing drug runner umano ang mga kabataan sa mga durugista at ilan sa naaresto ay ilang beses na ring nahuhuli subalit nagagawang makatakas sa rehabilitation center.

Ang Manila ADAC ang binuong grupo ni Manila Mayor Alfredo Lim upang tuluyang masawata ang iligal na droga sa lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply