6 katao patay sa Tutuban fire – NDRRMC

INIULAT na umabot sa anim katao ang namatay sa dalawang araw na sunog sa Tutuban Mall sa Divisoria, Maynila.

Bukod sa mga namatay, iniulat din ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na anim ang nasugatan habang walo ang na-suffocate.

Nagsimula ang sunog sa naturang mall noong Miyerkules ng madaling-araw at idineklarang fire-out kahapon ng ala-1:00 ng madaling-araw.

Lumilitaw sa imbestigasyon na sumiklab ang sunog sa isang stall na pagmamay-ari ni Maria Theresa Chen sa ground floor ng naturang mall at kumalat sa buong commercial building.

Marami ring bumbero ang nasugatan sa nasabing sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply