6 kinasuhan ng smuggling sa DOJ

IPINAGHARAP ng kasong smuggling sa Department of Justice (DOJ) ang anim na indibiduwal dahil sa pagpasok ng iba’t ibang uri ng magagarang sasakyan sa bansa na tinatayang aabot sa P18 milyon ang halaga.

Kabilang sa mga kinasuhan ay si Alejandro Alberto Milanes, may-ari ng JV&A enterprises, taga-Bangkal, Davao City. Kasama rin sa kinasuhan ang mga opisyal ng Cebu’s Total Golden Motor Care Inc. na sina Chi Myung Jong (presidente nito), Johanna Lariosa, Lee Mee Lee, Felimer Lee at Godofredo Gimongala.

Ayon kay BOC Commissioner Ruffy Biazon, ipinasok ang dalawang forty footer container van na naglalaman ng misdeclared at smuggled vehicles sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan sa Misamis Oriental noong Mayo at Hunyo 2011. Kabilang sa mga sasakyang laman ng naturang container vans ay dalawang Mercedes Benz, Ford Explorer 4×4, Dodge Durango, apat na Toyota Vitz, Starex, Soreno at iba pang sasakyan.

May kabuuang P13 milyon ang kargamento ni Milanes habang P5 milyon naman sa Total Golden Care Inc. na nadiskubreng ipinasok sa bansa ng walang kaukulang import permit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply