6 na bus ng Victory Liner, sinuspinde ng 30 araw

TULUYAN ng sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang prangkisa ng Victory Liner Bus company na nasangkot sa madugong aksidente kamakalawa ng madaling araw sa Munoz, Nueva Ecija.

Batay sa suspension order na inilabas ni LTFRB Chairman Jaime Jacob, anim na unit ng Victory Liner Bus ang binigyan ng 30 araw na suspensiyon bunsod ng malagim na insidente na ikinasawi ng siyam na tao at siyam na iba pang pasahero ang nasugatan

Nauna rito, nasangkot sa aksidente ang Bus na may plakang CWR 195 kung kaya inutusan ng LTFRB ang kumpanya na isurender sa kanila ang limang plaka ng iba pang unit ng bus na nakatakda umanong isailalim sa inspeksiyon at imbestigasyon habang itoy nananatiling suspendido.

Binibigyan ng LTFRB ng limang araw ang pamunuan ng Victory Liner upang isurender ang yelow plate ng naturang mga bus.

Ipapasailalim din sa road safety seminar at drug testing ang lahat ng mga driver ng Victory bus maging ng kanilang mga kunduktor.

Binibigyan ng 72 oras ng LTFRB ang operator ng Victory bus kasama ng mga driver upang ipaliwanag ang kanilang panig habang itinakda naman ang isang hearing sa naturang kaso na gaganapin sa oktubre a-2, sa ganap na alas 9 ng umaga .

Kasabay nito, nangako naman ang nasabing kumpanya ng bus na sasagutin nila ang lahat ng gastusin ng mga namatay at nasugatan sa naturang aksidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply