6 na intel pulis-Davao inireklamo ng kidnapping, extortion

SINIBAK sa puwesto at kinasuhan ang anim na kagawad ng Philippine National police na nakatalaga sa Regional Intelligence Unit 12 sa Davao del Sur dahil sa kasong kidnapping at robbery extortion ng dukutin nila ang dalawang negosyante sa nasabing lalawigan.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, ine-refer ng PNP Davao sa PNP General Headquarters sa Quezon City ang kaso ng anim na pulis na kinasuhan ng kidnapping at robbery .

Kinilala ang anim na mga pulis na sina P/Chief Insp Ryan Bobby Paloma, PO2 Francisco Castro, PO1 John Cesar Elezano, PO1 Jeffrey Delarmente, SPO1 Celestino Reyes Jr. at PO3 Randy Galan, pawang miyembro ng Regional intelligence Unit.

Ipinahayag ni Police Region 12 director P/C/Supt. Alex Paul Monteagudo
na isinailalim na ang anim sa pre-charge evaluation at nahaharap sa
kasong administratibo.

Samantala, idinagdag naman ni Monteagudo na sa ngayon ay hindi pa
nag-uumpisa ang summary hearing laban sa mga suspek dahil ire-refer pa
nila ito sa Camp Crame.

Inireklamo ang mga pulis ng dalawang negosyante na kinilalang sina Abdulmama Ebad at Muhamma Utto na umano’y dumukot sa kanila noong Agosto 26 sa Koronadal City at inisyal na hiningan ng pera ang pamilya ng mga biktima.

Pinawalan lamang ang dalawa matapos na pahirapan at ikulong ng tatlong araw bago tuluyang pinalaya sa Kabansalan Davao del Sur.

Depensa naman ng mga pulis isang legitimate anti-illegal drug operation ang kanilang ginawa bagaman itinaggi ito ni Monteaguado dahil hindi umano saklaw ng nasabing unit ang operation laban sa iligal na droga.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply