6 na sasakyan nagkarambola sa Kyusi

ANIM na sasakyan ang nagkarambola sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezon City kaninang umaga, bunsod ng madulas na kalsada na resulta ng magdamagang ulan.

Nabatid na nagbanggaan ang limang sports utility vehicle (SUV) at isang motorsiklo sa tapat ng Quirino Memorial Medical Center.

Masuwerte namang walang napaulat na nasugatan o nasawi sa nasabing pangyayari.

Dahil dito, muling nagbigay ng babala ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na maging maingat sa lahat ng oras, lalo na tuwing umuulan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply