60 biktima ng human trafficking sa Tawi-Tawi, nasagip

NAKALIGTAS sa tiyak na kapahamakan ang 60 hinihinalang biktima ng human trafficking sa Bonggao, Tawi-Tawi.

Ayon kay Provincial Director Supt. Rodelio Jocson, nailigtas ng mga awtoridad ang grupo sa dalawang magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa Bonggao, Pier.

Walang naipakitang mga dokumento ang grupo na dadalhin sana sa Sabah, Malaysia.

Bago ang pagsagip sa mga biktima, nakatanggap ang awtoridad na mayroong mga babae na ipupuslit patungong Malaysia.

Sa kasalukuyan pinaghahanap pa ang utak ng sindikato para maipuslit ang mga inosenteng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply