60,000 double registrants sa ARMM nabisto

NABISTO ang halos 61,416 multiple registrants sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ARMM) sa isinagawa ng Commission on Elections (Comelec)  na Automated Fingerprint Identification System (AFIS).

Ito ay kasunod ng isinagawang inisyal na cleansing of registration.

Sa record, umaabot sa 1,567,409 ang nag-aplay sa nakaraang general registration na isinagawa noong Hulyo at kasalukuyang sumasailalim sa cleansing gamit ang AFIS.

Samantala, hindi pa tapos ang proseso dahil sa pagpapaliban sa Election Registration Board hearing mula September 13 patungong November 20 hanggang 26, 2012.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply