60,500 guro kailangan ng DepEd

IPINAHAYAG ng Department of Education (DepEd) ang pangangailangan ng 60,500 na mga guro para sa pagbubukas ng school year 2013-2014.

Ayon kay DepEd Asst. Sec. Jesus Mateo ibabase ang suweldo ng mga guro sa Salary Standardization Law sa halagang P18,000.

Nilinaw naman ni Mateo na hindi pa kasama dito ang mga benepisyo kung kaya’t aabot din sa P20,000 ang matatanggap ng mga bagong guro.

Kasabay nito, ilalathala ng DepEd ang impormas­yon sa kanilang website para malaman ang pangangailangan ng mga guro sa bawat rehiyon, probinsya, munisipyo at barangay.

Sa ngayon, maaari nang mag-apply ang mga guro sa mga eskuwelahan at division office ng DepEd.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply