693 tinamaan ng dengue sa Misamis Oriental , 11 naitalang nasawi

NABABAHALA ngayon ang lungsod ng Misamis Oriental na tumaas pa ang bilang ng namamatay sa sakit na dengue lalo na ngayong patuloy pa rin ang pag-uulan.

Ayon sa Provincial Health office, may 11 nang naitalang namatay sa naturang sakit sa buong lungsod ng Misamis Oriental.

Mula aniya sa buwan ng Enero hanggang ngayong Setyembre 2012 ay umabot na sa 693 ang naitalang kaso ng dengue .

Kapag nagpatuloy pa umano ang rainy season ay posible pang madagdagan ang bilang ng tatamaan ng naturang sakit na labis nilang ikinababahala ngayon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply