7-11 nilooban, Amerikano niratrat, patay

PATAY ang isang  Kano nang barilin ng limang holdaper na nanloob sa isang kilalang convenience store sa Malate, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Robert Armstrong, 38 anyos, American national.

Tumakas naman ang limang holdaper matapos ang kanilang pakay at pamamaril sa biktima.

Sa report ni PO3 Alonzo Layugan, ng Manila Police District-homicide section bandang hapon kahapon na ng looban ng mga holdaper ang 7-11 convenience store sa panulukan ng Vito Cruz at F.B. Harrison sts., sa tapat ng isang gasolinahan sa Malate.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tatlo umano ang pumasok sa nasabing tindahan habang ang dalawa ay nagsilbing look out.

Nabatid na ang biktima ay kabilang sa sampung kustomer ng nasabing tindahan na hinoldap ng mga suspek.

Dahil sa takot at pagkataranta ay nagsitakbuhan ang ibang customer sa loob ng opisina ng convenience store habang lumabas naman si Armstrong at tinungo ang kanyang sasakyang Mazda na kulay asul.

Habang binubuksan ng biktima ang pinto ng kanyang sasakyan ay bigla na lamang siyang pinagbabaril ng isa sa holdaper.

Nang maisakatuparan ng mga suspek ang kanilang pakay ay saka nilisan ang lugar .

Isang empleyado naman ng Five Star Hotel ang nagmalasakit sa Amerikano upang dalhin sa San Juan De Dios Hospital ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa dami ng tama ng bala na bumaon sa katawan nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply