7-anyos nabundol ng patrol car, patay

PATAY ang isang pitong-taong gulang na batang babae matapos mabundol ng police mobile patrol car sa lalawigan ng Antique kaninang madaling araw, ayon kay Provincial Director Agrimero Cruz, Jr.

Sa impormasyong ibinahagi ni Cruz, kinilala ang biktima na si Jade Gepulgan, Grade II pupil ng Callan Elementary School sa bayan ng Sebaste.

Kinilala naman ang pulis na nakabundol sa bata na si PO3 Mariano Anton ng Pandan Police Station na iniharap na sa inquest proceeding.

Ayon kay Cruz, alas-7:45 ng umaga, patungo si Anton sa San Jose, Antique Prosecutors Office upang dumalo sa isang pagdinig nang mabundol nito ang papatawid na biktima.

Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang bata at tumama ang ulo sa gutter.

Bago tuluyang sumuko, nagtungo muna si Anton sa San Jose, Antique para iharap ang isang uspek sa kasong frustrated murder  na siya ang tumatayong arresting officer.

Inihayag naman ni P/Insp Jose Partisala, hepe ng Pandan Police na kasalukuyang nasa kustodiya nila si Anton habang patuloy na dinidinig ang kaso.

Nabatid na wala namang planong maghain ng reklamo ang pamilya ng bata at humihingi lamang sila ng tulong pinasyal para sa pagpapalibing nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply