7 patay sa lumubog na bangka

PITO ang nasawi, lima ang nawawala at 15 ang nailigtas makaraang lumubog ang isang pampasaherong bangka sa Tampat Pt, Pasiangan, Bongao, Tawi-tawi.

Sa inisyal na impormasyon, galing sa Sipangkot Island, sa Sibutu ang bangka at patungong Bongao nang maganap ang aksidente.

Sakay sa FB Sereana ang 27 pasahero nang magkaroon ng aberya ang bangka saka lumubog.

Nagsasagawa na ngayon ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Coast Guard, Navy at Maritime Police habang patuloy din ang imbestigasyon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply