7 sangkot sa pagpupuslit ng bigas, kinasuhan sa DOJ

IPINAGHARAP ng smuggling ng Bureau of Customs sa Department of Justice ang mga matataas na opisyal ng isang import export company at broker nito na sangkot diumano sa pagpupuslit ng 20,000 sako ng bigas sa subic freeport zone.

Kabilang sa ipinagharap ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ng paglabag sa Tariffs and Customs Code of the Philippines ay ang consignee ng nasabing shipment na sina Jan Dexter Marfil, Presidente ng Masagana Import Export Inc., secretary at board member na si Editha Arzola, treasurer at board member na si Jeaneth Epeleta Vega, Dir. Gerard Yaco Vega at Willam Quiohilag at broker na si Mary Joy Sanchez.

Nabatid na ang 20,000 sako ng bigas na mula Vietnam ay dumating sa Subic Port noong June 20, ngunit idineklarang gypsum board upang makaiwas sa pagkuha ng permit requirement mula sa National Food Authority.

Aabot naman sa P30 milyon ang halaga ng mga nasabing bigas.

Matatandaan na una ng nagsagawa ng Senate inquiry patungkol rito matapos mabuking ang iligal na pagpupuslit ng mga bigas na idinadaan sa Subic Port.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply