8 armadong lalaki nanloob sa isang bahay sa Sta. Mesa

NILOOBAN ng walong armadong lalaki ang isang bahay sa Sta.Mesa, Maynila kaninang umaga.

Ayon sa inisyal report ng pulisya, itinali ng mga suspek ang pamilya ni Manuel Abellanosa bago nilimas ang kanilang mga gamit sa kanilang bahay na matatagpuan sa may Ramon Magsaysay Blvd., at Santol Street bandang alas 7:00 ng umaga.

Kabilang umano sa natangay ng mga “akyat bahay gang” ay ang isang laptop, at alahas bago tuluyang nagsitakas .

Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya at pag-iimbentaryo sa mga gamit na natangay ng mga suspek upang mabatid kung magkano ang halaga ng mga nalimas.

Gayunman, wala namang nasaktan o nasugatan sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply