8 bahay tinangay ng flashflood sa Sarangani, 391 pamilya apektado

TINATAYANG 391 na pamilya ang nasira ang bahay makaraang tangayin ng  flashflood sa dalawang barangay sa Malungon, Sarangani province.

Nabatid na walong bahay ang tinangay ng baha at dalawa ang dinala sa ospital makaraang atakehin ng kanilang sakit na hypertension at epilepsy.

Samantala, personal na inaasikaso ni GenSan Malungon Mayor Bongbong Constantino ang mga pangangailangan ng mga naapektuhang pamilya.

Kasalukuyang inaalam pa ang halaga ng pinsalang iniwan ng pagbaha sa Barangay Datal Tampal at Malandag.

Habang nananatili ang may 30 pamilya sa gymnasium ng Barangay Malandag.

Inaalam rin kung may katotohanan ang balitang may nawawalang limang tao sa nasabing pagbaha.

Nabatid pa na biglaan ang nasabing pagbaha kung saan umapaw ang tubig sa sapa at pumasok umano sa mga kabahayan ng apektadong pamilya kahit pa sinasabing mahina lamang ang pag-ulan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply