8 bata biktima ng extra-judicial killing sa ilalim ng Aquino administration

WALONG bata na ang biktima ng extra-judicial killing dulot ng kontra-insurhensiyang mga patakaran ng gobyernong Aquino.

Ito ang pahayag ng grupong Children’s Rehabilitation Center kaugnay ng gaganaping candle lighting ceremony mamayang alas-singko y-media sa Boy Scout Circle sa Timog Avenue , Lungsod Quezon.

Pamamagatang “panaghoy ng mga batang biktima ng karahasan at pinagkaitan ng hustisya,” isa ring panawagan ang aktibidad ng mga pamilya ng mga batang biktima para sa hustisya.

Ayon sa pahayag mga grupo ng karapatang tao, ang Oplan Bayanihan ng gobyernong Aquino ang dahilan sa militarisasyon sa maraming pamayanan sa buong bansa.

Kabilang ang mga bata sa kadalasang biktima ng Oplan Bayanihan na nagdulot sa kamatayan ng walong bata.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply